Tungkol sa Blog

Ang blog na ito ay naglalahad ng mga impormasyon ukol sa pagpili, pagbili at pag-gamit ng iba't ibang gadgets/devices.

Tuesday, October 16, 2012

Microsoft Surface / Windows 8 - Tablet / Platform Introduction

Ang "Surface" ang bagong tablet  ng Microsoft na katapat ng Apple iPad at Google Android Tablet.  Ito ay ilalabas sa dalawang architecture :


Windows 8 - Ito ang pinakabagong version ng Windows at tatakbo sa Intel processors, na karaniwang makikita sa mga laptop at computer.

Windows RT ( Runtime )- Ito ang bagong version ng Windows na tatakbo sa ARM based processors na karaniwang makikita sa mga smartphone at tablet.






Specifications : [ Surface with Windows RT ]

Processor : NVidia Tegra 3  ( Quad Core )
RAM : 2 Gb
Internal Memory : 32 Gb
Display : 1366 x 768 Resolution; 10.6 inch

Camera : 2 x 720p HD camera ( rear at front )



Magpatuloy sa buong pahina




Ang Microsoft Surface with Windows RT ang magiging kahanay ng Apple iPad, ito ay naka-presyo na simula $499, sa modelong may 32 Gb internal memory, kumpara sa New Generation iPad na may 16 Gb memory.  ( Ang surface sa $499 ay walang kasamang touch cover ).  

Bilang batayan, sa $499, ang iPad ay nabibili sa 23K Php hanggang 25K Php.









Details :

Ang Surface + Windows RT ay ilalabas na may kasamang Office 2013 na pang RT ( may Word, PowerPoint at Excel ) ang version na ito ay optimized para sa ARM architecture at touchscreen operation.  Ang Surface + Windows 8 ( Surface Pro ) ay maaaring hindi kaagad magkaroon ng kasamang MS Office ( gaya ng mga naunang Windows version ).

Sa bagong version ng Windows na ito ay magagamit ang makabagong interface para sa Windows na Metro UI ( Tile Interface ).   Ang mga application lamang na na-design at na-program para sa ARM Architecture ang maaaring mapagana sa Windows Surface + RT, sa kabilang banda, ang Surface Pro ( Intel-based ) + Windows 8 ang magiging kapalit ng Windows 7 na nakakapagpatakbo ng pangkaraniwang application para sa Windows.

Sa paglabas ng Surface ay kasabay ang official na pag-release ng codebase sa bagong OS na ito para sa mga developers, kaya asahang saka pa lamang dadami ang mga application para sa tablet na ito, para makahabol sa iOS at Android. 

Update : Hanggang katapusan ng november 2012 ay nasa 20k pa lamang ang bilang ng apps para sa Microsoft Surface, kumpara sa iPad at Android na parehong may 700k+ apps na pagpipilian


Ang Surface with RT ay unang i-re-release sa ika-26 ng Oktubre sa US at ilang piling bansa.  





No comments:

Post a Comment