iPad Mini
Specifications :
Screen Resolution : 1024 x 748
Screen Size : 7.9 inch
Processor : Dual core, 1000 MHz, ARM Cortex-A9
Memory ( RAM ) : 512 Mb
Internal Memory : 16/32/64Gb
Connectivity : WiFi 802.11 b/g/n, HSDPA+, LTE
Camera : 1.2 Megapixel sa harap, 5 Megapixel sa likod
Operating System : iOS 6
Battery :
Price :
mall : > 19k php para sa 16 Gb model ( Wi-Fi only )
grey market : ~ 18k-19k php para sa 16Gb model ( Wi-Fi only )
Device Specifications Review :
Ang iPad Mini ang pinakabagong tablet form-factor galing sa Apple, ito ay nai-release kasabay ng 4th gen New iPad. Base sa technical specifications nito, ang iPad Mini ay kaparehas ng iPad 2. Gaya ng mga naunang iPad ito ay maaasahan sa magandang build quality ( metal ang chassis ) at pangmatagalang battery ( umaabot ng 12 oras panonood ng video sa isang full-charge ).
Magpatuloy sa pahina
Magpatuloy sa pahina
Gaya ng naunang naisaad, ang iPad mini ay may parehong technical specification sa iPad 2 ( processor, memory, screen resolution, etc. ) liban na lamang sa screen size ( 7.85 inch ) kung kaya't mas mataas ng kaunti ang pixel density nito sa iPad 2 na 1024x768 din ngunit mas malaki ang screen ( 10 inch ). Ang isang magandang bagong aspeto nito ay ang mas maliit na screen / chassis. Sa 7.85 inch form, ito ay sumusunod sa mga ~7 inch tablet na nai-release ng Amazon ( Kindle Fire ), Barnes & Noble ( Nook ), Asus ( Nexus 7 ) at Samsung ( Galaxy Tab 7 ). Ito ay mas madaling hawakan at dalhin sa byahe.
Ang isang kakaibang design aspect nito sa ibang tablet ay ang pagkakaroon ng manipis na bezel sa gilid, habang ang ibang 7 inch tablet ay makapal ang bezel. Ito ang frame na hindi kasama sa touchscreen at maaring hawakan habang nagbabasa o nagb-b-browse.
Gaya ng ibang iPad, ito ay tumatakbo sa iOS platform ng Apple, na maaasahan sa dami ng mapagpipiliang apps. Sa kasalukuyan ang iOS ang may pinakamaraming available na apps ( 700K+ ), ang Android ay kaaabot pa lamang sa 700k mga ilang linggo ang nakalipas at ang Microsoft Windows 8 ay nagsisimula pa lamang dumami. Isang kagandahan din dito ay mas pili ang apps na nakukuha sa App Store ng Apple kumpara sa ibang platform.
Sa kabilang banda, ang iPad Mini ay mabibili ng mas mahal kaysa sa iPad 2 na may mas malaking screen at kapareho lamang ng specification. At sa mga bagong labas na produkto ng Apple ( iPhone 5, iPod, New iPad 3rd gen, New Ipad 4th gen ), ito lamang ang hindi gumagamit ng retina-display ( kailangang ang quality ng display ay hindi na pansin ang pixelation sa normal viewing distance para masabing retina-display ang quality ).
Sa pangkalahatan, ito ang pinakamagandang entry-level tablet device galing sa Apple sa kasalukuyan.
Ang mga device review sa blog na ito ay base sa iba't ibang pagsusuri at aktwal na review galing sa iba't ibang site gaya ng The Verge, CNET, Engadget, xda, etc. at mga Podcast sa Twit.tv. Ang mga specification at product picture ay direktang kinuha sa website ng manufacturer
No comments:
Post a Comment