Tungkol sa Blog

Ang blog na ito ay naglalahad ng mga impormasyon ukol sa pagpili, pagbili at pag-gamit ng iba't ibang gadgets/devices.

Wednesday, September 19, 2012

Ano ang Iphone, Android, Smartphone?

Ano ang iPhone, Android, Smartphone?


Ang smartphone ay isang pangalan sa cellphone na may kakayahan sa ilang uri ng paggamit na magagawa sa isang computer, tulad ng panonood ng video, pag-browse/pag-basa ng web page.  Kadalasan ito ay touchscreen device ( magagamit sa pamamagitan ng pag pindot / swipe sa screen ).  Ang iPhone ay isang brand ng smartphone na gawa ng Apple ( company ).  Ang Android ay isang Operating System na magagamit sa mga smartphone na gawa ng iba't ibang company tulad ng Samsung, Sony, HTC, Lenovo, Motorola atbp.

iPhone - Ito ang pangalan ng brand ng smartphone na gawa ng Apple (company).  Ang operating system nito ay iOS, na ang pinakabagong version ay iOS 6.0.  Ang pinakabagong iPhone sa ngayon ay iPhone 5 na ilalabas ngayong Sept. 2012.  Ang sumusunod ay ang mga version ng iPhone :

iPhone - 2007
iPhone 3G - 2008
iPhone 3GS - 2009
iPhone 4 - 2010
iPhone 4S - 2011
iPhone 5 - 2012

Android - Ito ay isang operating system para sa mga smartphones at makikita ito sa maraming mga device, pati na rin sa tablet.


1.5 [ Cupcake ]  - April 2009
1.6 [ Donut ] - September 2009
2.0, 2.1 [ Eclair ] - October 2009
2.2 [ Froyo ] - May 2010
2.3 [ Gingerbread ] - December 2010
3.x [ Honeycomb ] - February 2011
4.0 [ Ice Cream Sandwich o ICS ] - October 2011
4.1 [ Jelly Bean ] - July 2012


Karagdagan :

Ang blackberry ay isang brand ng smartphones galing sa RIM ( company ).  Ito ay kilala sa kumpletong alphabet keypad na pindutan nito ( ngunit ndi lahat ng blackberry ay ganito ).

Ang Nokia ay nag-lalabas ng smartphones gamit ang Operating System ( OS ) ng Microsoft ( company ).
Ang pinakabagong OS para dito ay Windows 8.  Ang Windows 8 OS ay makikita rin sa iba pang mga tablet at smartphone galing sa ibang company ( HTC, Sony, Samsung atbp. )


No comments:

Post a Comment