Tungkol sa Blog

Ang blog na ito ay naglalahad ng mga impormasyon ukol sa pagpili, pagbili at pag-gamit ng iba't ibang gadgets/devices.

Friday, September 21, 2012

Device Review - Asus/Google Nexus 7

ASUS Nexus 7


Specifications :



Screen Resolution : 1280×800 
Screen Size : 7 inch
Processor :  NVIDIA Tegra 3 T30L Quad-Core @1.2Ghz
Memory ( RAM ) : 1GB RAM
Internal Memory : 8GB 
Connectivity :  WiFi 802.11 b/g/n,  Bluetooth 4.0, NFC
Camera :  VGA sa harap
Operating System :  Android 4.1.1 Jellybean
Battery :  4,325mAh Li-Polymer 

Local Price

Malls : ~13k para sa 8 Gb version, ~16k para sa 16 Gb version.
Independent/Grey Markets : ~12k para sa 8 Gb, ~15k para sa 16 Gb


Malls : ~14k para sa 32 Gb
Grey Market : 12.8k/12.9k para sa 16 Gb, 11.8/11.9k para sa 8Gb

Review

Ang Google Nexus 7 ang unang tablet na nagkaroon ng pinakabagong version ng Android OS na 4.1 Jellybean.  Ito ay may makabagong quad-core na processor na maihahambing sa pinakabagong tablet ng Apple Ipad, o sa Samsung Galaxy Note 2.  Ang resolution nitong 1280 x 800 ay nasa mataas na grupo rin ng mga tablet para sa 7 inch nitong laki.  At ang battery nito ay kayang magtagal ng lagpas 8 oras na tuloy-tuloy na paggamit.

Magpatuloy sa pahina




Sa pangkalahatang pagkakagawa, bilis ng pagtakbo, at ganda ng display, ang Nexus 7 ay nangingibabaw at ka-kumpetensya ng pinakamataas na tablet ng ibang manufacturer.  Ito ay isang mataas na uri ng tablet para sa ganitong presyo.  Maaring ang kakulangan lamang nito na hahanapin ng bibili ay ang kawalan ng SD Card slot ( Maliit ang 8 Gb o 16 Gb na memory para malagyan ng maraming games, video at mp3, bagamat maaring magamitan ng OTG cable para sa USB storage ), kawalan ng Internet connection bukod sa WiFi, kawalan ng HDMI port at kawalan ng rear-facing camera.  

Ang isang kagandahan sa mga Android device na Nexus ay nakakakuha ng update ng Android OS direkta sa Google.  Kumpara sa ibang smartphone/tablet manufacturer na lumalagpas  ng 6 na buwan bago makasunod ng update sa pinakabagong Android OS.

Ang tablet na ito ay sumunod sa yapak ng Kindle Fire na inilabas ng Amazon (company ) nang nakaraang taon at nakapagbenta ng napakaraming produkto.  Ito ang tuluyang nagbukas ng market para sa ganitong laki ng mga tablet.

Ang Google Nexus 7, sa petsang ito ay hindi pa opisyal na nai-di-distribute ng Asus Philippines.  Ang mga stock sa mall at grey market ay naangkat lamang sa maliliit na bulto.  

Update :
Maaari nang mai-update ang Nexus 7 sa Android 4.2 JellyBean
Ang models na available ay 16Gb/32Gb Variants
May bagong model na may 3G/HSPA support




Buying Tip

Ang Google Nexus 7 ay isang mataas na uri ng tablet na nabibilang sa mas murang presyo ng mga tablet.  Sa gayon, kung hindi kinakailangan ang mga kakulangan dito ( gaya ng SIM card slot para sa 3G, camera sa likod at SD card slot ), masasabing ito ang pinakasulit bilihin na tablet.  Depende rin sa gagamit kung kumportable sa ganitong laki ng screen.

Siguruhin lamang sa pagbili na maayos ang screen at nakapantay ng mabuti sa frame o bezel, ito ang natatanging reklamo ng mga naunang bumili ng tablet na ito sa mga unang nailabas na produkto ng Asus.  Kung kinakailangan ng karagdagang memory ay maaring bumili ng OTG cable para makabitan ng karagdagang memory sa pamamagitan ng USB.


Ang mga device review sa blog na ito ay base sa iba't ibang pagsusuri at aktwal na review galing sa iba't ibang site gaya ng The Verge, CNET, Engadget, xda, etc. at mga Podcast sa Twit.tv.  Ang mga specification at product picture ay direktang kinuha sa website ng manufacturer





















No comments:

Post a Comment