CD-R KING Fastpad FP-008-XON
Ito ay isang review ng Fastpad ayon sa actual na pagkakagamit. Ang sumusunod ay mga detalye ng tablet na ito :
Specifications
Model : [ FP-008-XON (FJA-7A) ]
OS : Android 4.0.3 ( Ice Cream Sandwich / ICS )
Processor : 1.0 Ghz
RAM : 1.0 Gb
Internal Storage : 8 Gb
GPU : Mali-400
Screen Size : 7 inch
Screen Resolution : 800 x 480
Magpatuloy sa buong pahina
Avatar Movie Clip
Price : 4,580 php
Charging time : ~ 4hrs.
Active Usage time : ~4hrs.
Back Cover
- Full USB port
- HDMI port
- microSD Card slot
- 3.5 mm standard stereo jack
- microUSB port
- front-facing and rear camera
pumunta rito para sa buong detalye ayon sa CDR-KING
Build
Ang katawan ng tablet ay gawa sa matigas na glossy plastic. Curved ang mga dulo at malinis ang molde kaya hindi naman masyadong mukhang mumurahin. Maayos ang pagkakalagay ng power button kaya hindi aksidenteng mapipindot habang ginagamit ang tablet sa kahit anong posisyon.
May USB port at microSD slot kaya madaling maglipat / mag-save / mag-backup ng files.
Performance
Para sa isang tablet na may 1 Ghz processor at 1 Gb RAM, ang fastpad na ito ay sapat para mag-browse ng internet/web pages, maglaro ng karamihan sa kilalang Android games, at manood ng video.
Malinaw ang display, gaya ng makikita sa mga picture sa itaas, kahit tignan mula sa gilid ( lahat ito ay sa 50% brightness setting ). Ito ay maaaring magtakbo ng 1080p na video. May pre-installed flash-player kaya makakapanood kaagad ng mga video sa youtube.
Malinaw ang display, gaya ng makikita sa mga picture sa itaas, kahit tignan mula sa gilid ( lahat ito ay sa 50% brightness setting ). Ito ay maaaring magtakbo ng 1080p na video. May pre-installed flash-player kaya makakapanood kaagad ng mga video sa youtube.
Antutu Benchmark : 3189
Games
Karamihan sa kilalang games sa Android ay maaaring malaro sa Fastpad model na ito ( ito ay pwede rin sa mga iba pang fastpad sa presyong 4k ).
- Doodle Jump
- Angry Birds
- Temple Run
- Plants vs Zombies
- Fruit Ninja
- Cut the Rope
atbp. sa ganitong klaseng games
Marami ring HD games ang nalalaro dito ng walang pagbagal sa display.
- Osmos HD
- Riptide GP
- Raging Thunder II
- Call of Mini (update)
- Call of Mini (update)
atbp. sa ganitong klaseng games
May konting pagbagal sa Agent Dash, dahil sa dami ng 3D objects na kailangan i-render ( i-display ). Ito ay maaaring makita sa mas mataas pang mga games na nangangailangan ng mas mataas na specification.
Bagamat bumabagal sa ibang 3D games, maayos na nalalaro ang Riptide, Call of Mini at Raging Thunder ng walang pagbagal o paghinto sa graphics (update)
Bagamat bumabagal sa ibang 3D games, maayos na nalalaro ang Riptide, Call of Mini at Raging Thunder ng walang pagbagal o paghinto sa graphics (update)
Agent Dash
Riptide
Temple Run
Raging Thunder II
Raging Thunder II
Battery Life
Sa browsing, maaring lumagpas ng 6 hrs sa isang full-charge, bago ito mag auto-shutdown. Sa games na walang tigil, halimbawa sa Temple Run na tuloy-tuloy, umaabot ng 4 oras walang tigil.
Minor Issue
Bahagyang umiinit ang gitnang likod ng tablet kapag naglalaro ng matagalan. Maraming beses itong nangyari ngunit hindi naman nasagad o nasira ang tablet. Maaaring sabihin na normal lamang ito sapagkat ang ganitong pag-init ay nararamdaman din sa mga branded na tablet.
Kapag naka-charge may bahagyang pag-init sa tablet, ito ay hindi gaanong kainit na gaya sa paglalaro.
Kapag naka-charge at naka-on, may mga panahon na nagloloko ang touchscreen at hindi sumusunod sa swipe/press.
Buying Tips :
I-check na sumusunod ang tablet sa mga pindot/swipe sa home screen at sa games ( tulad ng pre-loaded na Temple Run ). Siguruhin na nag-cha-charge, i-check na nakakabasa ang USB port at microSD slot. I-test na maayos ang power button at ang mga standard button sa frame/bezel, mula sa kaliwa :
- menu
- back
- search
- home
- volume down
- volume up
Siguruhin din na maayos ang stereo jack, ipa-test sa earphones/headphones. Pakinggan din na maayos ang tunog, bagamat natural na mahina, dapat ay lumalakas/humihina ang volume ayon sa setting. I-test rin and
front at rear camera kung kinakailangan, may icon sa home para magamit ang camera, i-check na gumagana pareho. I-check ang internal microphone, pindutin ang search button at magsalita, bagamat hindi sakto ang pagkuha ng android ng iyong sasabihin, dapat ito ay gumana lalo na sa mga simpleng salita.
Overall Summary
Ang CDR-KING Fastpad FP-008-XON ay isang tablet na may tamang kalidad ayon sa kanyang presyo. Maaaring magbasa ng pdf, comics at google play books dito ng maayos. Ito ay may kakayahang mag-play ng iba't ibang uri ng video files mkv, mp4, avi atbp. hanggang 1080p ( Bagamat 800x600 lamang ang tunay na display ). Karamihan sa mga Android games ay maaaring laruin dito, kasama na ang marami-raming HD games. Tulad ng pagbabasa ng pdf, ang browsing ay maayos ding magagawa sa mga website.
Added : Ang Fastpad ay pre-rooted, kaya wala na kailangan gawin para i-root itong tablet. Makakapag-install kaagad ng superuser para ma-check ito.
( Pumunta dito para sa reference )
Added : Ang Fastpad ay pre-rooted, kaya wala na kailangan gawin para i-root itong tablet. Makakapag-install kaagad ng superuser para ma-check ito.
( Pumunta dito para sa reference )
Ang pangkalahatang performance ay halos parehas lng ng iba pang CDR-KING fastpad sa bandang 4k na presyo. Maisasama na rin dito ang ibang China manufacture tablet gaya ng Starmobile Engage 7" ( 6k php ), Haipad A13 ( 4k+ php ), Coby Kyros 7 (4k+ php ).
ilang megapixel po ba ang camera nito sa likod ?? malinaw po ba?
ReplyDelete2 Megapixel camera sa likod (1600x1200)
ReplyDelete- malinaw kapag maganda ang lighting condition,
pero mas malinaw ang mga camera ng maraming
entry-level smartphone
0.3 Megapixel camera sa harap ( 640x480 )
- siguradong hindi malinaw, pero ganito din ang
camera ng Nexus 7
nakabili ako neto kelan lang, medyo malikot yung touchscreen, ang hirap mag type sa virtual keyboard nya kung ano ano character ang lumabas -- hindi accurate ang lumalabas. ganun ba talaga? or baka may depekto ang produkto ko? nababago ba ito sa settings nya?
ReplyDeleteayos na sanang gamit para sa mga basic na gamit at pag browse, pero parang maiinis ka gamitin ito sa pagsagot ng emails dahil sa issue nato.
ang common issue lang ng touchscreen responsiveness nangyayari kapag charging, same sa ibang china manufactured tablets. pero sa ~ 1 month use ng fp-008-xon, wala namang issue pag typing sa default. kapag masyadong erratic ang typing sa casual use, baka may problem ung hardware.
ReplyDeletesa kabilang banda, medyo mahirap talaga mag-type sa tablet, kahit sa branded at kahit 10 inch form. kaya yung iba, nag-o-offer ng keyboard dock, ( i.e. Asus Transformer series, at student edition ng Galaxy Tab 2 ), at yung galaxy note 10.1, may stylus.
tenks sa feedback. medyo malikot nga while charging, eh medyo malalaki pa naman daliri ko. pero enjoy mga bata sa paglalaro.
ReplyDeletenapansin ko lang na yung mga apps dun sa 512MB memory nya ini-install. pero naililipat din naman sa SD card.
nag-run ako ng antutu benchmark, mga 3300+ nakuha nya.
yung reported screen resolution, hindi 800 x 480, parang 760 x480
anyway, di naman ganun ka selan mga bata. ayos naman yung mga games like temple run and yung car racing game basta solo syang tumatakbo na program.
ok din pang check at pang sagot occassionaly ng emails. good enough for those purposes. i guess oldies like me (i'm in my forties) like me better stick to a netbook or desktop. pero excited ako dun sa parating na microsoft surface rt :D
Nice!
ReplyDeleteMay way po kya pra i-root yang model n yan??
Tiningnan ko po ksi using root explorer sabi di p daw rooted ung device.
@naldrs
ReplyDeletemay mga tasks ( gaya ng heavy-typing, na mas maganda pa rin sa pc/laptop gawin ). regarding microsoft surface, malapit na ma-release, ang downside lang sa microsoft ay wala pang masyadong apps para dito.
@Gerome Nebab
Rooted na out-of-the-box yung FP-008-XON, at base sa mga feedback over the net, ganito rin sa ibang fastpad models. Gumagana naman yung root explorer ( tested 2.14 at 2.16) sa FP-008-XON, pwede mo siguro subukan ibang file explorer gaya ng ROM Toolbox Lite, o kaya install muna ng "superuser" galing sa google play.
ok na po.. salamat po..
Deleteanother question po.. nabsa ko lng sa symb. may nagtatanong po dun kung anong broadband po compatible sa device na to.
tnx po in advanz. more powers!!
Kung ang ibig mo sabihin sa broadband ay 3g dongle, hindi gumagana out of the box yung huawei e153u-2.
DeleteSa listahan ng config file [ 3g_dongle.cfg ]
zte mf190
zte mf180
huawei e1750
huawei e353
huawei ec1261
Personally, wifi lagi gamit ko, hindi reliable ang 3g service sa maraming area.
hi, ask ko lang saan pwede magDownload ng games for this gadget?? balak kasi bumili ng pinsan ko.. thanx!
ReplyDelete@Gronch, may google play app sa homescreen, lahat ng free and paids apps/games ng android, downloadable via google play.
ReplyDeleteI'm planning to buy this for my kids this Christmas but I'm split between buying this and fp-005 with 10" display but both with identical CPU. Considering the cost between the two and main usage which is games and videos which of the two would you recommend?
ReplyDelete@Dave
DeleteI could only find one concrete technical difference between the two tablets :
fp-008 has 8 Gb internal memory vs fp-005 4 Gb internal memory, slight advantage goes to fp-008.
All other things being roughly equal, and the 7 inch being cheaper, I'd recommend the fp-008.
As for the screen size, it's really a matter of personal preference so you can leave it up to the kids. Just make sure to inspect the item thoroughly before purchasing.
Hello I recently bought this tablet it says it supports Windows 7/XP/Vista/2000 and Mac OS V 9/10, what do you mean by that?
ReplyDeleteIf these are the system software then how can I install them? I hope I can use Windows 7 or perhaps both with my current Android Ice Cream 4.
Please help if where I can find these software... thanks
Hi phipher, that is basically the same type of statement that you will see in most peripheral devices like mice and keyboards, and it only means that the device can be connected to these operating systems listed and communicate ( transfer files ) readily. It does not mean that you can install these operating systems into the tablet.
DeleteFor windows, only Windows RT works on ARM-based architecture ( used commonly for tablets/smartphones ). And it is highly unlikely that you'll be able to install it on devices that do not have it pre-installed.
For mac, only iOS works on ARM-based architecture.
Running multiple OS on tablet devices is rarely possible, and it is very hard to find support as new devices come out each quarter. This has to do with the different chips and drivers that are unique to each device, unlike in the PC platform where it is pretty much standardized.
I'm sorry but I basically don't understand it.. you're trying to say that this baby (FP-008-XON) is like a peripheral for other computer having Windows system installed on them - as mouse and keyboard are compatible to several system software...
ReplyDeleteIf that is the case then CD-R King should be indicating that this tablet can be connected or networked to other computer having other version than Android.
BTW, I profoundly appreciate your response and for giving me the idea which version of Windows is installable to this tablet.
Hi phipher, I understand that it can be rather misleading, and sounds more like a buzzword than true technical specification.
DeleteBut it is important in the sense that you will have very little trouble transferring files with the OS that it supports. i.e. copy or backup music video files from your pc to the tablet.
This is not always the case with some devices. As an example, if you have an iPad, you're going to have a hard time transferring files from the iPad to a PC because there is no native support for the OS ( Windows / Linux ).
Oh BTW one more thing, do you have any idea where to find some procedures on how to install Windows RT for Tablet PCs?
ReplyDeleteI'd really like to try installing Windows.. although I am not a fan of it I just want to explore all possibilities...
Thanks for your time and help...
If you really want Windows RT, the best option is to look for any tablet like the Microsoft Surface : http://gadgetguideph.blogspot.com/2012/10/microsoft-surface-windows-8-tablet.html
DeleteThe Surface is Microsoft's flagship product for Windows RT, and in that regard, you probably save a lot of headache with any compatibility, there are other tablets being released by other manufacturers for the holiday season that has Windows RT pre-installed.
As for running Windows RT on a native android tablet... It is a currently highly improbable task for several reasons ( mostly with booting ), but not impossible. Which basically means, there has not been a breakthrough hack yet since the OS has just been released, but it's bound to happen although probably for very specific hardware.
A good analogy would be with the Mac OS X, which basically is supposed to run only on Apple hardware and yet there are several ways to install it on a custom PC, essentially possible only because OS X is running on x86 architecture. In that same vein, since Android and RT both run on ARM architecture, it's not a far fetched idea. In all likelihood, whenever a workaround happens you're most likely to find it from xda-developers.com.
hello po mas maganda po ba ito kaysa sa latest na labas nila na ito http://www.cdrking.com/?mod=products&type=view&sid=14584&main=166 at saka ung quality nung product maganda? ialng months or yr po ba sayo iyan??
ReplyDelete@athena more or less, same performance lang ang makikita sa actual use ng single core. yung item sa review has been around for ~ 6 months.
Deletecompatible po ba ito sa smartbro plug it??. . paano po ba i'configure. .
ReplyDeletetnx. . :-)
@Azehj, hindi ako familiar sa iba't ibang usb dongle, best option ay dalhin na lang sa CDR-King ung usb dongle ( smartbro plug it ) and ask for assistance, kung supported yung hardware, dapat gagana sya automatically.
Deletehello sir elias. ask ko lang po if may document viewer po ba ito (i.e. MS word and excel)?
ReplyDeletebuy po kasi ako this sat, di pa makapag-decide.
tnx for reply
@betchot04 maraming apps sa google play na pwedeng i-download para sa mga word at excel documents. i.e. quickoffice, officesuite, etc.
Deleteopen mo lang google play, search for "office"
yung pre-installed na open office sa tab ko ay trial lang kaya ma-oobliga kang bumili or maghanap ng pirated na app.
DeleteI bought CD-R KING FP-010-XON 7" Fastpad, well, google play does not function as well as the google email app. I called their hotline for several times until my call was answered. The staff told me that she will be sending an email to me for the instructions on how to fix my tab but it never came So I went to their branch in Los Banos to get it fixed. The technician used "primware". The sad thing is, he was not able to fix the problem in fact he only reformat my tablet. He just told me to bring it back to SM Sta. Mesa where I bought it. Now, I'm just downloading apps from 4shared.
ReplyDeletehi hello ellias... plano ko pong bumili ng FP-009-XON 10", Arm Cortex dual core, running ics 4.0, 1gb ddr3. may feedback po ba to? please share... new arrival ata nila to bago. tnx...
ReplyDeletepwede po ba magvideocall sa skype kasi meron din tablet na kahit dual cam eh voice call lang ang supported
ReplyDelete