ACER ICONIA TAB A110
Specifications :
Screen Resolution : 1024x600
Screen Size : 7 inch
Processor : NVIDIA Tegra 3 T30L Quad-Core @1.2Ghz
Memory ( RAM ) : 1GB RAM
Internal Memory : 8GB
Connectivity : WiFi 802.11 b/g/n, Bluetooth 4.0, NFC
Camera : 2 Megapixel
Operating System : Android 4.1.1 Jellybean
Battery : 3,420 mAh Li-Polymer Price : £179.98
Review
Ang Acer Iconia Tab A110 ay sumusunod sa hanay ng mga budget tablet na mataas ang performance. Ito ay may Tegra 3 cpu na katulad ng sa Asus/Google Nexus 7. Ang presyo nito sa UK ay nasa £180 ( may tax ) o nasa 300 USD , mahal ng 50 USD kumpara sa Nexus 7 250 USD ( wala pang tax ). Sa pangakalahatan, ang performance nito ay magiging kasing bilis ng Nexus 7 dahil sa parehong Tegra 3 processor, 1 Gb RAM, at Android JellyBean OS. Maaring bumilis ng kaunti o mas mahina ng konti magkonsumo ng kuryente dahil sa 1024 x 600 na resolution ( maaaring hindi mahalata sa normal na paggamit ). Pero siguradong mapapansin na ndi kasing linaw ng 1280 x 800 resolution ng Nexus 7. Sa battery nito na 3420 mAh ay maaring nasa 6 hanggang 7 oras ang itatagal nito sa tuloy-tuloy na paggamit.
Magpatuloy sa pahina
Magpatuloy sa pahina
Ang tablet na ito ay may 2 Megapixel camera sa harap na mataas ng kaunti sa Nexus 7. Maaring ang malaking lamang nito sa Nexus 7 ay ang pagkakaroon ng SD Card slot para makapag-save ng files hanggang 32 Gb, at ang HDMI output na magagamit pag-lipat ng display sa mas malaking screen.
Sa pangkalahatan, isa itong magandang karagdagan na pagpipilian sa mga tablet na nasa 7 inch ang laki. Tulad ng Kindle Fire at Nexus 7 ay maaaring maging presyo nito sa Pilipinas 15k hanggang 18k. [ Tignan ang update ng presyo sa specs, at link sa isang shop ]. Habang ang processor at memory nito ay kayang tumakbo ng maikukumpara sa ibang "High-End" tablet nasa 30k na presyo.
Ang mga device review sa blog na ito ay base sa iba't ibang pagsusuri at aktwal na review galing sa iba't ibang site gaya ng The Verge, CNET, Engadget, xda, etc. at mga Podcast sa Twit.tv. Ang mga specification at product picture ay direktang kinuha sa distributor ng tablet na matatagpuan dito.
No comments:
Post a Comment