Ano ang tablet?
Ito ay post ukol sa ilang katanungan sa tablet. Ano ito? Kailangan ko bang bumili nito? Ano ang gamit nito?
Ano ang tablet ?
Ito ay isang computer sa anyo ng isang pad / board na madalas nasa 7 inch o 10 inch pahilis ang laki. Ito ay ginagamit sa pamamagitan ng iba-ibang klase ng pag-press o swipe sa screen.
Ano ang gamit nito ?
Ito ay maaaring gamitin upang manood ng movies, makinig ng mp3, maglaro ng games, mag-basa/mag-browse ng web/internet, mag-type ng documents, mag-email. May ilang tablet ng maaaring gamitin din bilang phone. Maraming tablet ang maaaring kabitan ng keyboard, kung kinakailangan.
Kailangan ko bang bumili nito?
Depende sa pangangailangan. May mga bagay na maganda sa isang tablet :
- Battery Life - Ang mga tablet ay umaabot ng 8-12 oras na paggamit, mas mahaba sa laptop/netbook 4-6 oras
- Portability - Madali itong dalhin kahit saan
Karamihan ng maaaring gawin sa Desktop PC o Laptop ay maaari nang gawin sa tablet, gaya ng nasasaad sa mga gamit ng tablet. Maaring maliban na lamang sa pag-print, may paraan para magawa ito ngunit hindi
sa lahat ng tablet at printer.
ang andriod tablet ba na di naman masyadong kilala ang brand ng tablet ay paresa na tatagal ng 7-8 oras ang battery?
ReplyDelete@manny, depende sa battery capacity yan. karamihan sa mga china tablets ainol/ainovo, cdr-king, starmobile, cherry ay nasa 4-6 hrs sa active usage.
ReplyDeletepara sa mga branded tablets, karamihan nasa 7+ hrs. samsung galaxy tabs, ipad, nexus 7, etc. except windows surface pro, 4+ hrs lng, parang regular laptop.
Saan ba maganda maglaro ng games, sa laptop or sa ipad?
ReplyDelete