Tungkol sa Blog

Ang blog na ito ay naglalahad ng mga impormasyon ukol sa pagpili, pagbili at pag-gamit ng iba't ibang gadgets/devices.

Sunday, November 18, 2012

Apple iPad Mini - Device Specification Review

iPad Mini

Specifications :


Screen Resolution : 1024 x 748 
Screen Size : 7.9 inch
Processor :  Dual core, 1000 MHz, ARM Cortex-A9
Memory ( RAM ) : 512 Mb
Internal Memory : 16/32/64Gb 
Connectivity :  WiFi 802.11 b/g/n,  HSDPA+, LTE
Camera :  1.2 Megapixel sa harap, 5 Megapixel sa likod
Operating System :  iOS 6
Battery : 

Price :
mall : > 19k php para sa 16 Gb model ( Wi-Fi only )
grey market : ~ 18k-19k php para sa 16Gb model ( Wi-Fi only )


Device Specifications Review :

Ang iPad Mini ang pinakabagong tablet form-factor galing sa Apple, ito ay nai-release kasabay ng 4th gen New iPad.  Base sa technical specifications nito, ang iPad Mini ay kaparehas ng iPad 2.  Gaya ng mga naunang iPad ito ay maaasahan sa magandang build quality ( metal ang chassis ) at pangmatagalang battery ( umaabot ng 12 oras panonood ng video sa isang full-charge ).

Magpatuloy sa pahina

Tuesday, October 16, 2012

Microsoft Surface / Windows 8 - Tablet / Platform Introduction

Ang "Surface" ang bagong tablet  ng Microsoft na katapat ng Apple iPad at Google Android Tablet.  Ito ay ilalabas sa dalawang architecture :


Windows 8 - Ito ang pinakabagong version ng Windows at tatakbo sa Intel processors, na karaniwang makikita sa mga laptop at computer.

Windows RT ( Runtime )- Ito ang bagong version ng Windows na tatakbo sa ARM based processors na karaniwang makikita sa mga smartphone at tablet.






Specifications : [ Surface with Windows RT ]

Processor : NVidia Tegra 3  ( Quad Core )
RAM : 2 Gb
Internal Memory : 32 Gb
Display : 1366 x 768 Resolution; 10.6 inch

Camera : 2 x 720p HD camera ( rear at front )



Magpatuloy sa buong pahina


Wednesday, September 26, 2012

Device Review - Barnes & Noble Nook Tablet Specifications

Barnes & Noble Nook


Ang Nook HD+ at Nook HD ang mga bagong tablet galing sa Barnes & Noble bilang pangtapat sa Kindle Fire HD 8.9 inch at 7 inch ng Amazon.  Ang mga tablet na ito ay  nabibilang sa klase ng mga tablet na budget price, pero 'high-end' specs.


Barnes & Noble Nook HD+
NOOK HD+

Specifications :

HD +

Screen Resolution : 1920 x 1280 
Screen Size : 9 inch
Processor : Dual-core 1.5 GHz OMAP 4470 
Memory ( RAM ) : 1GB RAM
Internal Memory : 8GB 
Connectivity :  WiFi 802.11 b/g/n,  Bluetooth 4.0, NFC
Camera :  wala
Operating System :  Custom Android Ice Cream Sandwich Fork
Battery :  6000 mAh 
~ 269 USD
microSD card slot
HDMI port


Tuesday, September 25, 2012

Device Review - Acer Iconia Tab A110

ACER ICONIA TAB A110




Specifications :

Screen Resolution : 1024x600 
Screen Size : 7 inch
Processor :  NVIDIA Tegra 3 T30L Quad-Core @1.2Ghz
Memory ( RAM ) : 1GB RAM
Internal Memory : 8GB 
Connectivity :  WiFi 802.11 b/g/n,  Bluetooth 4.0, NFC
Camera :  2 Megapixel
Operating System :  Android 4.1.1 Jellybean
Battery :  3,420 mAh Li-Polymer 
Price : £179.98 


Local Price : ~12.5K
may extra 16Gb SD Card free sa shop na ito : tignan dito


Review

Ang Acer Iconia Tab A110 ay sumusunod sa hanay ng mga budget tablet na mataas ang performance.  Ito ay may Tegra 3 cpu na katulad ng sa Asus/Google Nexus 7.   Ang presyo nito sa UK ay nasa £180 ( may tax ) o nasa 300 USD , mahal ng 50 USD kumpara sa Nexus 7 250 USD ( wala pang tax ).   Sa pangakalahatan, ang performance nito ay magiging kasing bilis ng Nexus 7 dahil sa parehong Tegra 3 processor, 1 Gb RAM, at Android JellyBean OS.  Maaring bumilis ng kaunti o mas mahina ng konti magkonsumo ng kuryente dahil sa 1024 x 600 na resolution ( maaaring hindi mahalata sa normal na paggamit ).  Pero siguradong mapapansin na ndi kasing linaw ng 1280 x 800 resolution ng Nexus 7.  Sa battery nito na 3420 mAh ay maaring nasa 6 hanggang 7 oras ang itatagal nito sa tuloy-tuloy na paggamit.

Magpatuloy sa pahina


Friday, September 21, 2012

Device Review - Asus/Google Nexus 7

ASUS Nexus 7


Specifications :



Screen Resolution : 1280×800 
Screen Size : 7 inch
Processor :  NVIDIA Tegra 3 T30L Quad-Core @1.2Ghz
Memory ( RAM ) : 1GB RAM
Internal Memory : 8GB 
Connectivity :  WiFi 802.11 b/g/n,  Bluetooth 4.0, NFC
Camera :  VGA sa harap
Operating System :  Android 4.1.1 Jellybean
Battery :  4,325mAh Li-Polymer 

Local Price

Malls : ~13k para sa 8 Gb version, ~16k para sa 16 Gb version.
Independent/Grey Markets : ~12k para sa 8 Gb, ~15k para sa 16 Gb


Malls : ~14k para sa 32 Gb
Grey Market : 12.8k/12.9k para sa 16 Gb, 11.8/11.9k para sa 8Gb

Review

Ang Google Nexus 7 ang unang tablet na nagkaroon ng pinakabagong version ng Android OS na 4.1 Jellybean.  Ito ay may makabagong quad-core na processor na maihahambing sa pinakabagong tablet ng Apple Ipad, o sa Samsung Galaxy Note 2.  Ang resolution nitong 1280 x 800 ay nasa mataas na grupo rin ng mga tablet para sa 7 inch nitong laki.  At ang battery nito ay kayang magtagal ng lagpas 8 oras na tuloy-tuloy na paggamit.

Magpatuloy sa pahina


Tablet List

Tablet List

Ang pahinang ito ay magsisilbing listahan ng mga tablet na nakagrupo ayon sa presyo.  Nakabilang dito ang mga version ng Ipad bilang gabay.  


Mga 20k php pataas


Samsung Galaxy Note 10.1
Quad Core Exynos Processor, 2 Gb RAM, 16Gb/32Gb/64Gb Internal Memory, 1280x800 Resolution, 10.1 inch

ASUS Transformer Pad Infinity
Nvidia Tegra 3 Quad Core 1.6 Ghz Processor, 1 Gb RAM, 32Gb/64Gb Internal Memory, 1920x1200 Resolution, 10.1 inch

Nexus 10
Dual Core Exynos Processor,  2Gb RAM, 16/32/64 Gb Internal Memory, 2560x1600 Resolution, 10 inch

Microsoft Surface with Windows RT
Nvidia Tegra 3 Quad Core, 2 Gb RAM, 32/64Gb Internal Memory, 1366x768 Resolution, 10.6 inch

New Ipad [ 4 ]
Dual-core Apple A6 Processor, 1Gb RAM, 16Gb/32Gb/64Gb Internal Memory, 2048x1536 Resolution, 9.7 inch

New Ipad [ 3 ]
Dual-core Apple A5X Processor, 16Gb/32Gb/64Gb Internal Memory, 2048x1536 Resolution, 9.7 inch






Mga 20k php pababa hanggang 10k php


ASUS Google Nexus 7
Quad Core Tegra 3 1.2 Ghz Processor, 1 Gb RAM, 8Gb/16Gb/32Gb Internal Memory, 1280x800 Resolution, 7inch


Dual Core 1.5 Ghz Processor, 1 Gb RAM, 16Gb/32Gb Internal Memory, 1920x1280 Resolution, 9 inch



Kindle Fire HD 8.9 inch
Dual Core 1.2 Ghz Processor, 1 Gb RAM, 16Gb/32Gb Internal Memory, 1280x800 Resolution, 8.9 inch

Dual Core 1.3 Ghz Processor, 1 Gb RAM, 8Gb Internal Memory, 1440x900 Resolution, 7 inch


Kindle Fire HD
Dual Core 1.2 Ghz Processor, 1 Gb RAM, 16Gb/32Gb Internal Memory, 1280x800 Resolution, 7 inch

Ipad 2
Dual-core 1 GHz A5 Processor Processor, 512 Mb RAM, 16 Gb Internal Memory, 1024x768 Resolution, 10 inch

Acer Iconia Tab A110
Quad Core Tegra 3 1.2 Ghz, 1 Gb RAM, 8Gb/16Gb Internal Memory, 1024x600 Resolution, 7 inch


Dual-core 1 GHz A5 Processor Processor, 512 Mb RAM, 16Gb/32 Gb Internal Memory, 1024x768 Resolution, 7.85 inch




Samsung Galaxy Tab 2 7
Dual Core 1 Ghz Processor, 1 Gb RAM, 8Gb/16Gb/32Gb Internal Memory, 1024x600 Resolution, 7 inch

Mga 10k php hanggang 5k php


Ainol Fire/Flame ( Fire - China version, Flame - English version )
Dual Core AMLogic 1.5GHz Processor, 1 Gb RAM, 16Gb Internal Memory, 1280x800 Resolution, 7 inch

Ainol Crystal
Dual Core 1.5 Ghz Processor, 1 Gb RAM, 8Gb Internal Memory, 1024x600 Resolution, 7 inch ( Jelly Bean)

Ainol Aurora II 
Dual Core 1.5 Ghz Processor, 1 Gb RAM, 16Gb Internal Memory, 1024x600 Resolution, 7 inch 

Ainol Elf II
Dual Core 1.5 Ghz Processor, 1 Gb RAM, 8Gb Internal Memory, 1024x600 Resolution, 7 inch

Coby Kyros
Single Core 1 Ghz Processor, 1 Gb RAM, 4Gb/8Gb Internal Memory, 800x480 Resolution 7 inch
Single Core 1 Ghz Processor, 1 Gb RAM, 8Gb Internal Memory, 1024x768 Resolution 10 inch

O Plus
Single Core 1 hanggang 1.5 Ghz Processor, 1 Gb RAM, 4Gb/8Gb Internal Memory, 800x480 Resolution 7 inch


Mga 5k php pababa


Single Core 1 hanggang 1.5 Ghz Processor, 1 Gb RAM, 4Gb/8Gb Internal Memory, 800x480 Resolution

Haipad
Single Core 1 hanggang 1.5 Ghz Processor, 1 Gb RAM, 4Gb/8Gb Internal Memory, 800x480 Resolution

StarMobile
Single Core 1 hanggang 1.5 Ghz processor, 1 Gb RAM, 4Gb/8Gb Internal Memory, 800x480 Resolution










Wednesday, September 19, 2012

Tablet Review - CDR-KING Fastpad FP-008-XON

CD-R KING Fastpad FP-008-XON



CD-R King Fastpad FP-008-XON (FJA-7A) 7 inch Tablet


Ito ay isang review ng Fastpad ayon sa actual na pagkakagamit.  Ang sumusunod ay mga detalye ng tablet na ito :



Specifications 


Model : [ FP-008-XON (FJA-7A) ]
OS : Android 4.0.3 ( Ice Cream Sandwich / ICS )
Processor : 1.0 Ghz
RAM : 1.0 Gb
Internal Storage : 8 Gb
GPU : Mali-400
Screen Size : 7 inch
Screen Resolution : 800 x 480

Magpatuloy sa buong pahina 


Ano ang tablet?

Ano ang tablet?

Ito ay post ukol sa ilang katanungan sa tablet.  Ano ito? Kailangan ko bang bumili nito? Ano ang gamit nito?

Ano ang tablet ?


Ito ay isang computer sa anyo ng isang pad / board na madalas nasa 7 inch o 10 inch pahilis ang laki. Ito ay ginagamit sa pamamagitan ng iba-ibang klase ng pag-press o swipe sa screen.

Ano ang gamit nito ?


 Ito ay maaaring gamitin upang manood ng movies, makinig ng mp3, maglaro ng games, mag-basa/mag-browse ng web/internet, mag-type ng documents, mag-email.  May ilang tablet ng maaaring gamitin din bilang phone.  Maraming tablet ang maaaring kabitan ng keyboard, kung kinakailangan.

Kailangan ko bang bumili nito?

Depende sa pangangailangan.  May mga bagay na maganda sa isang tablet :

  • Battery Life - Ang mga tablet ay umaabot ng 8-12 oras na paggamit, mas mahaba sa laptop/netbook 4-6 oras
  • Portability - Madali itong dalhin kahit saan
Karamihan ng maaaring gawin sa Desktop PC o Laptop ay maaari nang gawin sa tablet, gaya ng nasasaad sa mga gamit ng tablet.  Maaring maliban na lamang sa pag-print, may paraan para magawa ito ngunit hindi
sa lahat ng tablet at printer.





Ano ang Iphone, Android, Smartphone?

Ano ang iPhone, Android, Smartphone?


Ang smartphone ay isang pangalan sa cellphone na may kakayahan sa ilang uri ng paggamit na magagawa sa isang computer, tulad ng panonood ng video, pag-browse/pag-basa ng web page.  Kadalasan ito ay touchscreen device ( magagamit sa pamamagitan ng pag pindot / swipe sa screen ).  Ang iPhone ay isang brand ng smartphone na gawa ng Apple ( company ).  Ang Android ay isang Operating System na magagamit sa mga smartphone na gawa ng iba't ibang company tulad ng Samsung, Sony, HTC, Lenovo, Motorola atbp.

iPhone - Ito ang pangalan ng brand ng smartphone na gawa ng Apple (company).  Ang operating system nito ay iOS, na ang pinakabagong version ay iOS 6.0.  Ang pinakabagong iPhone sa ngayon ay iPhone 5 na ilalabas ngayong Sept. 2012.  Ang sumusunod ay ang mga version ng iPhone :

iPhone - 2007
iPhone 3G - 2008
iPhone 3GS - 2009
iPhone 4 - 2010
iPhone 4S - 2011
iPhone 5 - 2012

Android - Ito ay isang operating system para sa mga smartphones at makikita ito sa maraming mga device, pati na rin sa tablet.


1.5 [ Cupcake ]  - April 2009
1.6 [ Donut ] - September 2009
2.0, 2.1 [ Eclair ] - October 2009
2.2 [ Froyo ] - May 2010
2.3 [ Gingerbread ] - December 2010
3.x [ Honeycomb ] - February 2011
4.0 [ Ice Cream Sandwich o ICS ] - October 2011
4.1 [ Jelly Bean ] - July 2012


Karagdagan :

Ang blackberry ay isang brand ng smartphones galing sa RIM ( company ).  Ito ay kilala sa kumpletong alphabet keypad na pindutan nito ( ngunit ndi lahat ng blackberry ay ganito ).

Ang Nokia ay nag-lalabas ng smartphones gamit ang Operating System ( OS ) ng Microsoft ( company ).
Ang pinakabagong OS para dito ay Windows 8.  Ang Windows 8 OS ay makikita rin sa iba pang mga tablet at smartphone galing sa ibang company ( HTC, Sony, Samsung atbp. )


Introduction

Ang blog na ito ay ginawa para mapagkunan ng impormasyon tungkol sa mga devices ( desktop pc, tablets, notebooks, smartphones ).

Ang ilan sa mga specification dito ay manggagaling sa manufacturer ng mga device na ito, at ilan sa mga benchmark o test ay manggagaling sa ibang review site bilang batayan.

Ang sumusunod ang magiging classification ng bawat post :

 - Payo sa pagbili - mga payo sa pagpili, pag-check ng gamit bago bumili
 - Payo sa paggamit - mga payo sa pag-gamit, pag-ayos ng device
 - Device/Gadget review - detalyadong paglalahad ng 1-2 linggong paggamit ng isang device.
 - Comparative review - review ng device base lamang sa technical specification, at pagkumpara sa ibang device ng parehong category.









Pagbili ng Tablet - Mga Specification

Ito ay isang gabay sa mga bagay na dapat tingnan sa pagbili ng tablet


operating system [ OS ]

Ito ang system software na nagpapatakbo sa tablet.  Kung sa desktop pc, ito ay kagaya ng WINDOWS sa pc, OS X sa mac o LINUX sa pc.  Sa mga tablet ito ay maaring : 


  • iOS para sa mga apple device ( iPhone, iPad ) - iOS 6 ang pinakabago 
  • Android para sa mga android device - Android 4.1 ( Jelly Bean ) ang pinakabago
  • Windows 8 para sa mga windows-based device


Sa blog na ito ay mas pag-uukulan pansin ang Android devices sa ngayon.  Ito ang mga version ng Android :

1.5 [ Cupcake ]  - April 2009
1.6 [ Donut ] - September 2009
2.0, 2.1 [ Eclair ] - October 2009
2.2 [ Froyo ] - May 2010
2.3 [ Gingerbread ] - December 2010
3.x [ Honeycomb ] - February 2011
4.0 [ Ice Cream Sandwich o ICS ] - October 2011
4.1 [ Jelly Bean ] - July 2012

Sa ngayon, ang 'Gingerbread' pataas ay maayos ng gamitin sa mga smartphone. Para sa mga tablet, mas mabuting Ice Cream Sandwich ( ICS ) ang gamitin pataas.

Kung ang OS ng tablet ay Honeycomb o mas luma pa, maaaring ndi maganda ang takbo ng mga program/games.


screen size

Ito ang laki ng screen ng tablet, tulad sa mga tv ito ay sinusukat ng diagonal o pahilis sa magkabilang dulo ng screen.

Karamihan sa mga tablet ay nasa 10 inch o 7 inch na laki.  May ilan na kakaiba at nasa 8.9, 7.7 atbp.  Ang pagpili ng laki ng tablet ay depende sa gagamit.

screen resolution

Ito ang dami ng pixel o tuldok sa screen.  Halimbawa, ang 1024 x 600 ay may 1024 na tuldok pahaba at 600 tuldok pataas.  Sa madaling salita, kung mas mataas ang numero, mas pino ang display; mas malinaw.

Karagdagan :

May ilang mga tablet pang mabibili na may "resistive" touch screen.  Ito ay lumang klase ng touchscreen na kailangan pa diinan pag 'swipe'.  Iwasang bumili ng ganitong tablet.

Payo : Piliting makapag-test ng games at magpa-ikot-ikot sa settings ng tablet bago bilihin.  Siguraduhin na ito ay sumusunod sa bawat pindot o swipe.  Maaring maging sanhi ng problema kapag ang tablet ay hindi sumusunod sa pag-swipe o pag-pindot sa isang lugar screen.


processor

Ito ang nagpapatakbo sa tablet / pc / laptop, mas mabilis mas mabuti.  Karamihan sa mga katamtamang bilis na tablet ngayon ay Dual-Core, at ang nasa mataas ay mga Quad-Core.  [ Ito ay hindi dapat ipagkamali sa mga 'many-core' o 'multi-core' na nakalagay sa mga China tablet, karamihan dun ay Single-Core lang. ]

Para sa mga games kagaya ng Temple Run, Plants vs Zombies at Angry Birds, sapat na ang Single Core 1.0 Ghz para makapaglaro ng walang lag ( hindi biglang bumabagal ).

Para sa mga HD games mas mabuti na Dual-Core ang gamitin.

memory

May 2 klase ito :

RAM - Maaring 512 Mb, 1 Gb, 2 Gb.  Malaki ang epekto nito sa ikabibilis ng pagtakbo ng tablet.  Ang 512 Mb ay sapat para sa Temple Run, Plants vs Zombies o Angry Birds pero mas mabuting 1 Gb pataas ang nasa mga tablet.

Internal Memory - Maaring 4 Gb, 8 Gb, 16 o 32 Gb. Dito kadalasan naka-save ang mga program o application gaya ng games. Mas mabuti na 8 Gb pataas ang kunin.

storage [ with sd card ]

Para sa mga tablet na may sd-card slot, pwede lagyan hanggang 32 Gb na dagdag na paglalagyan ng files ( mga video, mp3, pdf ).  Kung walang sd card slot ay maaring gumamit ng OTG cable para sa karagdagang
paglalagyan ng files.  Maaring mas madaling gamitin ang may sd card slot, pero depende sa gagamit.

connectivity [ 3g / wifi ]

Ito ang paraan para maka-connect ang tablet sa internet.

Wifi - Maaring lahat ng tablet ay mayroon nito, kung nasa wifi-hotspot o kung may wifi-router sa bahay

3G - Ang tablet ay makaka-connect sa internet sa pamamagitan ng paglagay ang sim card.  

Karagdagan :
May mga tablet na maaaring kabitan ng broadband USB stick gaya ng Globe Tattoo, Smart Bro o Sun.

battery

Maaring 2000+ mAh, 3000+ mAh o mas mataas pa.  Ang mas mataas na numero ay maaring magbigay ng mas matagal na gamit sa isang full-charge.  Ang Ipad ay kayang lumagpas ng 12 oras na pag-gamit.  Ang ibang Android device gaya ng Asus Nexus 7, Lenovo Ideapad K1, Motorola Xoom, Samsung Galaxy Tab ay umaabot ng 8-10 oras sa pag-gamit.  Karamihan sa mga China manufactured tablets ay umaabot ng 4-7 oras ng pag-gamit.

brands

Halimbawa ng mga international brand :
  • Samsung
  • Lenovo
  • Acer
  • Asus
  • HTC
  • Apple 
  • Motorola
Halimbawa ng mga China brands o ka-quality ng China brand :
  • Ainol [ Aurora / Paladin / Fire / Elf / Crystal ]
  • Eken
  • Coby - usa distribution, pero parehong quality ng china brands
  • O+ - USA distribution, pero parehong quality ng china brands
  • CDR-King - Philippine branding, china manufacture
  • Cherry Mobile [ Cherry Pad ]
  • Haipad